'Sang Marupok
Nasaan ka na ba?
Ang tanong ko
sa sarili habang nakatitig
sa harap ng salaming
tila nanunumbat.
Hindi ko na matandaan
ang ilaw ng dating ikaw
bago ka umabot sa kumplekadong
tulay ng pusong patuloy na
umaasa at naghihintay.
Hindi ka maaaring pumikit na lamang
hanggang bukang-liwayway.
Hayaan mo na munang bumitaw
sa pag-asang muli pang magtagpo
ang landas ng 'sang nagbago at ang biglang lumabo.
Naging marupok ka lang.
Hinayaan mong tumigil ang 'yung mundo
upang maging bahagi sa isang pangako.
Ngayon, sa nasasalamin mong mukha ng buhay,
anong pangarap ang kayang isuko ng marupok mong puso?